Ako si
KARYLLE J. PELONGO at tinatawag akong Kaye ng mga taong malapit sa akin. Ako ay dalawampu't-dalawang taong gulang, nakatira sa P-4
Omonay Damulog Bukidnon, at kasalukuyang nakatira ngayon sa P-7 Doncarlos Norte Bukidnon.
Ngayon ay kasalukuyang nag-aaral ako sa kolehiyo na kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa paaralang Don Carlos Polytechnic College.
Mga Magagandang Tanawin na aking napuntahan
Hindi natin maiwasan mangarap makapunta sa
iba’t-ibang bahagi ng mundo,pinapangarap natin sa ating buhay na sana minsan ay
makapunta tayo sa ibang lugar na bago sa ating mga mata, kaya naman ng
magkaraoon na ako ng pagkakataon makalakbay sa ibang lugar ay hindi na ako nag
aksaya ng oras makaranas ng bagong karanasan.
Sa pagpunta ko sa Busay Falls ng
Pinamangguan, marami akong natuklasan at nadiskubre. Natuklasan ko na
napakarami palang mga magagandang lugar dito sa mundo na nakakagaan loob kahit
mga simpleng tanawin lamang. Nadiskubre ko rin na ang sarap sa pakiramdam na
makapunta ka sa lugar na bago sa iyong mga mata at makasalamuha ng mga bagong
tao. At higit sa lahat natuklasan ko na napakasaya sa pakiramdam ang paglakbay
dahil bukod sa makakaranas ka ng bago sa iyong buhay at makasalamuha ka ng mga
bagong tao, nakakabuo tayo ng mga ala-alang hindi natin malilimutan na pwede
natin maibahagi sa iba.
Mahilig akong mag alaga ng aso
Malaking bahagi ang ginagampanan ng mga
hayop sa buhay nating mga tao . Ang mga hayop ang nagsisilbing kasama, alaga,
libangan, pangunahing pinagkukunan natin ng pagkain at katulong sa
paghahanap-buhay. Tinagurian pa ngang 'man's bestfriend' ang mga alagang aso sa
kadahilanang sila ang hayop na pinakamalapit sa tao at itinuturing rin sila ng
karamihan sa atin bilang isang matalik na kaibigan.
Ang paborito kong kulay
Mga paborito kong pagkain ay adobong manok, fried chicken at lempo.
Mga paborito kong pang himagas ay salad, ube delight, Maja Blanca, Cassava
cake at Mango Float.
Mga paborito kong prutas Lansones, Pakwan, Rambutan, Manga, Durian, Dragon fruit, Pinya, Mansanas at Orange.
Ang paborito kong bulaklak ay tulips
Ang
pangalan ng aking Ama't Ina ay si Rolando S. Pelongo Sr. at ang aking Ina
ay si Alma O. Juliane. May apat akong kapatid, dalawang babae at
dalawang lalaki.
Lumaki ako sa hirap at masasabing ang pamilya ko ay sinubok ng panahon at pagkakataon. Pinagbuklod ng pagmamahal at hinubog ng pangaral at positibong pananaw ng aking Ama't Ina. Marahil dahil na din sa dinanas at nakita kong paraan ng aming pamumuhay hindi ako sumukong mangarap. Isa pa normal namang mangarap at libre pa!
Simple lang ang pangarap ko, ang maiahon ko ang aking pamilya at mabigyan ng magandang pamumuhay sa hinaharap.
Sa ngayon ay patuloy akong umaasa na maisasakatuparan ang lahat ng aking pangarap. Alam kong mahirap ito abutin pero alam ko maaabot ko ito sa tulong ng Panginoong Diyos at sa mga taong nakapaligid sa akin at sa tulong ng aking pamilya. Meron ngang kasabihan “Kapag gusto maraming paraan, kapag ayaw maraming dahilan.” Kapag gusto mo ang isang bagay, gagawa ka talaga ng paraan upang makamit ito.
"Ang tipo kong teacher sa hinaharap"
Unang una sa lahat, ako ay magiging strikto
sa klase ko at kailangan lahat ng pinapagawa ko sa kanila ay naaayon sa nais
kong mangyari. Ako yung tipo ng guro na metikoloso sa mga pinapasa sa akin ng
studyante ko. Gusto ko lahat ay sakto sa oras at pag nahuli sa pagpasa ay kung
hindi bawas sa marka ay hindi ko na talaga tatanggapin. Ako rin yung hindi
hahayaan na may nangyayaring kabalastugan sa klase at paghihiwalayin ko ang
babae sa lalaki kung maaari. Pero hindi naman ako yung tipo ng guro na puro
aral lang. Strikto ako pero di ko hahayaan na may makakatulog sa klase ko.
Magtuturo ako na masaya ang klase at may natututunan sila pero alam pa rin nila
kung sino ang guro at kung sino ang studyante. At dahil ang pangarap ko talaga
ay maging isang Filipino na guro, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para
magkainteres ang mga studyante ko sa tinuturo ko. Yung tipong sasabihin din
nila sa sarili nila na “Hindi naman pala mahirap ang Filipino eh.” Gusto kong
maging inspirasyon sa mga studyante ko na babaunin ang mga tinuro ko hanggang
sa sila ay tumanda. Gusto kong maging isang guro na sa tuwing tatanungin ang
mga studyante ko kung sino ba ang nakaimpluwensya sa kanila para maging isang
mabuting tao ay isa ako sa mga guro na babanggitin nila. Gusto kong maging
inspirasyon sa pag-unlad ng buhay ng mga tuturuan at makasasalamuha ko.
Ako bilang isang guro ang magsisilbing
ilaw, hindi lamang sa inyong tahanan ngunit pati na rin sa inyong buhay na
handang makinig, makisalamuha, umunawa, maging bukas sa bawat pagkakataon at
iparamdam sa aking studyante na sila ay ligtas at maaaring lumapit sa akin
kahit anoman ang mangyari. Tandaan na ako’y mananatili sa kanilang tabi at
handang tumulong sa abo’t ng aking makakaya. Ating ikuros sa ating isip at
damdamin na hindi lamang tayo nakaharap at nagsisilbing tagapag turo sa bawat
tao bagkus tayo bilang isang guro ay handang maging ka-agapay nila, at
taga-payo. Mananatiling bukas
at handa ang
isang kagaya ko
para sa mga
taong nangangailangan ng isang gabay at pagmamahal na gusto nilang
maramdaman sa isang katauhan. kaya Ikaw, Ako, Tayo at ang sambayanang
naninirahan sa mundo ang magsisilbing taga-gabay at inspirasyon ng kabataan
anomang propesyon ang naisin nating matapos.
Alam
kong hindi magiging madali ang tatahakin ko bago ako maging isang ganap na guro
pero alam kong kakayanin ko ito dahil ito talaga ang gusto ko. Nais kong
makatulong hindi lamang sa pamilya ko kung hindi pati na rin sa mga batang
tuturuan ko. Nais kong makiisa sa pagbabago sa buhay ng isang tao at magagawa
ko lamang iyon pag ako ay naging isang ganap na guro