Friday 10 November 2023

KARYLLE J. PELONGO BSED FIL 3B

 


Ako si KARYLLE J. PELONGO at tinatawag akong Kaye ng mga taong malapit sa akin. Ako ay dalawampu't-dalawang taong gulang, nakatira sa P-4 Omonay Damulog Bukidnon, at kasalukuyang nakatira ngayon sa  P-7 Doncarlos Norte Bukidnon. 


Ngayon ay kasalukuyang nag-aaral ako sa kolehiyo na kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa paaralang Don Carlos Polytechnic College.


 Mga Magagandang Tanawin na aking napuntahan

Hindi natin maiwasan mangarap makapunta sa iba’t-ibang bahagi ng mundo,pinapangarap natin sa ating buhay na sana minsan ay makapunta tayo sa ibang lugar na bago sa ating mga mata, kaya naman ng magkaraoon na ako ng pagkakataon makalakbay sa ibang lugar ay hindi na ako nag aksaya ng oras makaranas ng bagong karanasan.

Sa pagpunta ko sa Busay Falls ng Pinamangguan, marami akong natuklasan at nadiskubre. Natuklasan ko na napakarami palang mga magagandang lugar dito sa mundo na nakakagaan loob kahit mga simpleng tanawin lamang. Nadiskubre ko rin na ang sarap sa pakiramdam na makapunta ka sa lugar na bago sa iyong mga mata at makasalamuha ng mga bagong tao. At higit sa lahat natuklasan ko na napakasaya sa pakiramdam ang paglakbay dahil bukod sa makakaranas ka ng bago sa iyong buhay at makasalamuha ka ng mga bagong tao, nakakabuo tayo ng mga ala-alang hindi natin malilimutan na pwede natin maibahagi sa iba.

   

   Mahilig  akong mag alaga ng aso

Malaking bahagi ang ginagampanan ng mga hayop sa buhay nating mga tao . Ang mga hayop ang nagsisilbing kasama, alaga, libangan, pangunahing pinagkukunan natin ng pagkain at katulong sa paghahanap-buhay. Tinagurian pa ngang 'man's bestfriend' ang mga alagang aso sa kadahilanang sila ang hayop na pinakamalapit sa tao at itinuturing rin sila ng karamihan sa atin bilang isang matalik na kaibigan.

        


   Ang paborito kong kulay 


Mga paborito kong pagkain ay adobong manok, fried chicken at lempo. 

Mga paborito kong pang himagas ay salad, ube delight, Maja Blanca, Cassava cake at Mango Float



Mga paborito kong prutas Lansones, Pakwan, Rambutan, Manga, Durian, Dragon fruit, Pinya, Mansanas at Orange. 


Ang paborito kong bulaklak ay tulips


Ang pangalan ng aking Ama't Ina ay si Rolando S. Pelongo Sr. at ang aking Ina ay si Alma O. Juliane. May apat akong kapatid, dalawang babae at dalawang lalaki. 


Lumaki ako sa hirap at masasabing ang  pamilya ko ay  sinubok ng panahon at pagkakataon. Pinagbuklod ng pagmamahal at hinubog ng pangaral at positibong pananaw ng aking Ama't Ina. Marahil dahil na din sa dinanas at nakita kong paraan ng aming pamumuhay hindi ako sumukong mangarap. Isa pa normal namang mangarap at libre pa! 
Simple lang ang pangarap ko, ang maiahon ko ang aking pamilya at mabigyan ng magandang pamumuhay sa hinaharap. 
Sa ngayon ay patuloy akong umaasa na maisasakatuparan ang lahat ng aking pangarap. Alam kong mahirap ito abutin pero alam ko maaabot ko ito sa tulong ng Panginoong Diyos at sa mga taong nakapaligid sa akin at sa tulong ng aking pamilya. Meron ngang kasabihan “Kapag gusto maraming paraan, kapag ayaw maraming dahilan.” Kapag gusto mo ang isang bagay, gagawa ka talaga ng paraan upang makamit ito. 






      "Ang tipo kong teacher sa hinaharap"


Unang una sa lahat, ako ay magiging strikto sa klase ko at kailangan lahat ng pinapagawa ko sa kanila ay naaayon sa nais kong mangyari. Ako yung tipo ng guro na metikoloso sa mga pinapasa sa akin ng studyante ko. Gusto ko lahat ay sakto sa oras at pag nahuli sa pagpasa ay kung hindi bawas sa marka ay hindi ko na talaga tatanggapin. Ako rin yung hindi hahayaan na may nangyayaring kabalastugan sa klase at paghihiwalayin ko ang babae sa lalaki kung maaari. Pero hindi naman ako yung tipo ng guro na puro aral lang. Strikto ako pero di ko hahayaan na may makakatulog sa klase ko. Magtuturo ako na masaya ang klase at may natututunan sila pero alam pa rin nila kung sino ang guro at kung sino ang studyante. At dahil ang pangarap ko talaga ay maging isang Filipino na guro, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para magkainteres ang mga studyante ko sa tinuturo ko. Yung tipong sasabihin din nila sa sarili nila na “Hindi naman pala mahirap ang Filipino eh.” Gusto kong maging inspirasyon sa mga studyante ko na babaunin ang mga tinuro ko hanggang sa sila ay tumanda. Gusto kong maging isang guro na sa tuwing tatanungin ang mga studyante ko kung sino ba ang nakaimpluwensya sa kanila para maging isang mabuting tao ay isa ako sa mga guro na babanggitin nila. Gusto kong maging inspirasyon sa pag-unlad ng buhay ng mga tuturuan at makasasalamuha ko.

Ako bilang isang guro ang magsisilbing ilaw, hindi lamang sa inyong tahanan ngunit pati na rin sa inyong buhay na handang makinig, makisalamuha, umunawa, maging bukas sa bawat pagkakataon at iparamdam sa aking studyante na sila ay ligtas at maaaring lumapit sa akin kahit anoman ang mangyari. Tandaan na ako’y mananatili sa kanilang tabi at handang tumulong sa abo’t ng aking makakaya. Ating ikuros sa ating isip at damdamin na hindi lamang tayo nakaharap at nagsisilbing tagapag turo sa bawat tao bagkus tayo bilang isang guro ay handang maging ka-agapay nila,  at  taga-payo.  Mananatiling  bukas  at  handa  ang  isang  kagaya  ko  para  sa  mga  taong nangangailangan ng isang gabay at pagmamahal na gusto nilang maramdaman sa isang katauhan. kaya Ikaw, Ako, Tayo at ang sambayanang naninirahan sa mundo ang magsisilbing taga-gabay at inspirasyon ng kabataan anomang propesyon ang naisin nating matapos.

Alam kong hindi magiging madali ang tatahakin ko bago ako maging isang ganap na guro pero alam kong kakayanin ko ito dahil ito talaga ang gusto ko. Nais kong makatulong hindi lamang sa pamilya ko kung hindi pati na rin sa mga batang tuturuan ko. Nais kong makiisa sa pagbabago sa buhay ng isang tao at magagawa ko lamang iyon pag ako ay naging isang ganap na guro


1 comment:

KARYLLE J. PELONGO BSED FIL 3B

  Ako si KARYLLE J. PELONGO at tinatawag akong Kaye ng mga taong malapit sa akin. Ako ay dalawampu't-dalawang taong gulang, nakatir...